MANOK
Sa mga lumalaking manok, bihira sa mga ito ang halos walang balahibo. Natutuwa ako sa pagbabago sa katawan ng isang ito. Noong July 10, 2010, nakita ko siya. Nakakaawa para sa akin dahil halos wala siyang damit sa katawan kung sa tao. Kitang kita talaga ang balat niya. Sa gabing malamig, tanging ang mga balahibo ng kanyang kapatid na katabi niya sa pagtulog ang nagbibigay init sa kanyang katawan. May sakit pa nga ito, may mga nagbubukol bukol sa kanyang tuka.
Ikinulong ko kasi siya kasama ang mga inakay.
Pati ang mga inakay, nacucurious ata sa kanya..bakit wala siyang damit?
Noong August 14, 2010, nakita ko unti unti nang tumubo ang mga balahibo nito. Sa loob ng isang buwan, nagkaroon na siya ng proteksiyon. At naka-survived na siya sa kanyang sakit.
Iyong mga inakay naman na ito, tuwang tuwa ako sa kanila. Sampo silang magkakapatid at halos magkakaparehas ang kanilang kulay.
Kuha sa akto, nagsusuklay ba iyan?hahaha! Kakatuwa talaga ang mga ito.
Ang mga inakay at manok na alaga namin ay hindi natuturukan ng mga synthetic na gamot. Kaya masarap na ulam kumpara sa mga commercially produced meat. May naging bestfriend din ako noon na manok. Naglalaro kami, hinahabol niya ako at hinahamon ko naman siya sa tukaan. Kapag umaalis ako sa aming bahay, takbo siya para sundan ako. Parang aso din pala ang manok, pwedeng maging bestfriend ng tao.

















Anong manok yan? Astig naman! Aby, kelan tayo magtitinola sa dorm? Hehehhe…
Neb :p
native na manok (holo)..ikaw kung kailan mo gusto, hehe..pero hindi iyong manok na un, mangingitlog na un in 1 month..